Planong pakawalan ng Florida ang mahigit 750 million genetically modified na mga lamok.
Ito ay matapos na makakuha ng final approval mula sa local authorities.
Target na mapakawalan ito sa 2021 at 2022.
Bagamat maraming kumontra na mga lokal na residente at mga environmental group ay naipanalo ito ng estado at aprubado ng federal office.
Ayon kay Jaydee Hanson, policy director for the International Center for Technology Assessment and Center for Food Safety, na ginamit nila ang government resources at mga buwis na na nasingil para sa tinawag nilang Jurassic Park experiment.
Ang pilot project ay idinesenyo para masubukan ang genetically modified mosquito na maaaring atlernatibo sa pag-spray ng mga insecticidedes para makontrol ang Aedes aegypti at mga species nito na nagdadala ng mga nakakamatay na sakit gaya ng Zika, dengue, chikungunya at yellow fever.
Ang lamok na tinawag na OX5034 ay gagawa ng mga babaeng lamok na mamamatay sa laraval stage bagot ito maging ganap na lamok na mangangagat at magkalat ng virus.
Tanging mga babaeng lamok lamang kasi ang sumisipsip ng dugot na kailangan niya para sa panganganak.
Ang nasabing mga lamok rin ay inaprubahan na ipakalat sa Harris County, Texas simula 2021.
Pinangangambahan naman ng mga environmental groups na ang pagkalat ng mga genetically modified male genes sa wild population ay isang banta sa endangered species ng ibon, insekto at mga mammals.