COTABATO CITY – Nagpatawag ng pulong balitaan si MILG Minister at BARMM READi Head Atty. Naguib Sinarimbo ngayong araw hinggil sa mga updates ng nanalasang Bagyong Paeng sa rehiyon.
Ayon kay Sinarimbo, mula pa nung Day 1 hanggang sa kasalukuyan, di pa rin tumitigil ang rehiyon sa pagtulong sa mga nangangailangan, simula sa relief, rescue, medical at iba pang pangangailangan.
Nakatutok sila particular sa mga pamilya na nakaligtas sa nasabing bagyo, sa kanilang mental development and physical development.
Dagdag pa ni Sinarimbo, bukod sa mga maari pa nilang maitulong, nakatutok sila sa psychosocial interventions upang mabawasan o maalis sa mga pamilya ang trauma na dulot ng Bagyong Paeng.
Mayroon pa ring tinatayang 1,475 na pamilya na apektado ang nasa 40 na evacuation centers sa rehiyon.
Ayon sa kanilang talaan nasa 62 ang patay, 39 ang injured, ang mga nawawala ay nasa 13.
Mas tinututukan ngayon ng opisina ng nasabing ministro ay ang mga bulubunduking mga lugar, tulad ng Datu Blah at Datu Odin Sinsuat dahil sa mga inaasahang mga pagulan at pagguho ng lupa.
Nakaalerto pa rin ang buong rehiyon sa mga anumang pangyayari o development hinggil sa nanalasang si Paeng o sa mga parating pang pananalasa o sakuna.