Libu-libo pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nakakabangon mula sa hagupit ng mga nagdaang bagyo.
Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes, nasa kabuuang 7,233 pamilya ang nagrerekober ngayon mula sa 5 araw na pananalasa ng bagyong Marce.
Ang mga naapektuhang pamilya ay mula sa Ilocos region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa datos ng Office of the Civil Defense (OCD), ang mga sinalantang pamilya ay na-displace at nangangilangang ilipat o umalis mula sa kanilang mga tirahan. Bagamat sa ngayon walang napaulat na nasawi sa epekto ng bagyo.
Sa kasalukuyan, halos 4,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center habang may 960 pamilya ang nanunuluyan sa ibang lugar.