Nagsasanay ang Philippine Red Cross ng mahigit 7,000 para markahan ang National cardiopulmonary resuscitation (CPR) sa pamamagitan ng 102 chapters nito sa buong bansa.
Ayon sa PH Red Cross, mahahalaga ang kasanayang ito sa pagliligtas ng buhay, lalo na sa mga biglaang pangyayari.
Ang mga sumalang sa training ay dumaan sa 63 komprehensibong sesyon upang mabigyan ng angkop na kaalaman at kasanayang kinakailangan ang mga nakibahagi.
Pinuri naman ni PRC Chairman at CEO na si dating senator Richard Gordon ang pambihirang pagsisikap ng mga volunteers at kawani para sa National CPR Day.
Bukod sa 7,000 katao na nagsanay ng CPR, nagsagawa rin ng first aid at CPR demonstration ang PRC para sa mga miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na sumusuporta sa pananaw ni Chairman Gordon na bumuo ng isang bansang handa sa mga kalamidad at iba pang emergency.
Humiling naman ng hands-on na pagtuturo si KBP Chairman Herman Z. Basbaño para sa mga mamamahayag sa mahahalagang pamamaraan ng CPR at epektibong pagtugon sa pangunang lunas sa iba’t ibang sitwasyon.