Inaasahang makakapaglikha ng 7,469 direct jobs at $1.012 billion exports ang aprubadong investments ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa unang apat na buwan ng 2023.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, mula Enero hanggang Abril ng kasalukuyang taon, inaprubahan ang kabuuang 60 bago at expansion projects na nagkakahalaga ng P33.094 billion investments.
Ito ay 107.51% na mas mataas kumpara sa P15.975 billion inaprubahang investments sa parehong period noong 2022.
Mula sa 14 na proyekto, 7 dito ay magbibigay ng oportunidad ng trabaho sa logistics service enterprises, 4 sa export manufacturing at 3 ay sa IT enterprises.
Target na ilunsad ang naturang mga proyekto sa Baguio, Cavite, Laguna, Batangas, Cebu at South Cotabato.
Inihayag din ng PEZA official na natatamasa na ang resulta ng nagpaaptuloy na investment mission ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ng investment initiatives ng kaniyang admisnitrasyon.
Umaasa din ito na mas marami pang pamumuhunan ang makukuha ng bansa sa mga big-ticket investments mula sa nagdaang state visits ng Pangulo sa Japan, Amerik, Switzerland at iba pang mga bana.