Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) ang 82 na naging kandidato sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) bilang disqualified.
Ang mga naturang kandidato ay nakagawa ng ibat ibang paglabag sa batas ukol sa halalan. Kinabibilangan ito ng 48 candidates na nagsagawa ng premature campaigning
Nasa 20 sa kanila ang napatunayang guilty sa inihaing petisyon na nagpapadeklara sa kanila bilang disqualified, habang lima ang kinansela ang kanilang kandidatura.
Lima rin sa kanila ang idineklara bilang nuisance candidates. Ang ilan sa kanila ay napatunayang guilty sa vote buying.
Ang mga naturang kandidato ay mula sa Agusan del Norte, Bulacan, Tarlac, Iloilo, Laguna, Rizal, Pampanga, Oriental Mindoro at Metro Manila.
Maalalang Oktobre-30 nang isagawa ang halalan para sa Brgy at Sangguniang Kabataan.