-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang nasa 813,150 doses ng Pfizer vaccines laban sa COVID-19.
Sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez at US Embassy Charge’ d’Affairs John Law ang nasabing mga gamot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas-nuebe nitong gabi ng Miyerkules.
Sinabi ni Galvez na karamihan sa mga bakuna ay mapupunta sa Metro Manila at sa mga “highly-urbanized areas”.
Kinabibilangan ito ng Region 4A, Region 3, Region 1 at mga lugar sa Visayas at Iloilo.
Ang nasabing mga bakuna ay siyang nabili ng gobyerno sa US.
Sa kabuuan, mayroon ng mahigit 39.5 milyon na bakuna ang dumating na sa bansa.