-- Advertisements --
Natanggap ng bansa ang nasa 810,810 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.
Ang nasabing mga bakuna ay donasyon mula sa bansang France na idinaan sa COVAX facility ng World Health Organization (WHO).
Lumapag ang eroplanong pinagsakyan ng mga bakuna pasado alas-9 kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.
Sinalubong ito ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA).