-- Advertisements --
Mahigit 800,000 katao na ang naapektuhan ng bagyong Carina sa bansa.
Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) na aabot sa 882,861 na mga indibidwal o 183,464 na pamilya mula sa 686 na barangays sa buong bansa ang apektado ng bagyo at habagat.
Nakalagay naman sa 90 na evacuation centers ang nasa 35,388 na mga indibidwal.
Sinabi ni OCD spokesperson Edgar Posadas na mas maraming mga mamamayan ang piniling makisilong na lamang sa kanilang mga kaanak.
Kahit na nakisilong ang mga iba ay kanila pa rin minomonitor ang mga ito.
Ilan sa mga lugar na binabantayan ng OCD ay ang Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.