Nananatili pa rin sa mga evacuation center sa Cordillera ang kabuuang 812 pamilya na una nang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Nika.
Ayon sa Office of Civil Defense, 75 evacuation center sa Cordillera ang nananatiling bukas kung saan pansamantalang nakatira ang mga evacuees.
Maliban sa mahigit 800 pamilya, pansamantalang nakikitira ang 547 pamilya sa kanilang mga kaanak. Ito ay binubuo ng mahigit 1,800 indibidwal.
Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Nika, umabot sa 4,024 pamilya ang napilitang lumikas. Ito ay katumbas ng 10,800 katao.
Inaasahan namang makakauwi na ang mga ito sa kanilang kabahayan sa mga susunod na araw matapos makapagsagawa ng inspeksyon sa kanilang mga bahay na dinaanan ng bagyo.
Batay pa sa inisyal na report, mayroong 47 bahay sa Cordillera na napinsala sa pananalasa ng bagyo. Tatlo rito ay totally damaged.