Mahigit 800 sa loob ng 956 generals at colonels mula sa Philippine National Police ang nakapag-submit na ng kanilang courtesy resignation bilang suporta sa “radical approach” ng pamahalaan upang alisin ang mga opisyal na may kaugnayan sa kalakalan ng iligal na droga.
Inihayag naman ni national police spokesperson Col. Jean Fajardo na may ilang mga senior PNP officers ang nagpahayag ng kanilang reservations sa pag-submit ng kanilang courtesy resignation kung saan ang ilan sa kanila ay nagtanong pa kung bakit ito kinakailangan kung ang mga may posibleng link sa kalakalan ng droga ay natukoy na.
Pero ayon kay Fajardo, repleksyon ng buong organisasyon ang pagkakasangkot ng mga tauhan ng PNP sa iligal na droga.
Kailangan nilang kumilos at manguna sa paggawa ng ‘supreme sacrifice’ ng pagsusumite ng kanilang courtesy resignation.