-- Advertisements --

Umaabot sa 80,000 barangay health workers ang nawalan ng trabaho pagkatapos ng Barangay at SK elections noong Oktubre 30.

Ayon sa BHW Association Inc., ilan sa nanalong kandidato sa ilang barangay ang hindi na muling itinalaga bilang BHWs dahil sa pulitika na nagresulta sa pagkawala ng allowance o honorarium ng mga empleyado.

Nagkakapersonalan na aniya kung saan kapag hindi kaalyado ng kapitan hindi na sila muling itatalaga,

Sinabi pa ni BHW Association Region 4A President Jamil Morana ang pagtanggal ng BHWs ay labag sa joint memorandum circular ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagsasaad na dapat dumaan sa due process ang kanilang hindi pagkakatalaga.

Aniya, sa ilalim ng panukalang Magna Carta for BHWs, ang nahalal na barangay kapitan na magtatanggal ng BHW dahil sa pulitikal na kadahilanan ay dapat na mapatawan ng sanction.