Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 82,597 kaso ng dengue sa bansa.
Ito ay mas mataas ng 106% kumpara sa naitalang kaso noong nakalipas na taon.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, karamihan sa mga kaso ay naitala mula sa Central Luzon, Central Visayas at Metro Manila.
Sa Central Visayas, umabot na sa 13,449 ang dinapuan ng dengue, sa Central visayas naman mayroong 8,905 kaso at 6,884 naman sa Metro Manila.
Iniulat din ni Vergeire na nakapagtala ng 20,261 dengue cases base sa latest 4-week period mula June 19 hanggang July 16.
Karamihan sa mga kaso ng dengue na naitala sa nasabing period ay sa Central Luzon na mayroong 4,629 cases, Cagayan Valley mayroong 2,151 pasyente ng dengue at Metro Manila na may 1,985 dengue cases.
Ayon kay Vergeire sa loob ng apat na linggo, nasa 10 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa endemic threshold kung saan napanatili ang increasing trend sa Cagayan Valley, Mimaropa at Cordillera Administrative Region.
Sa kabuuan, mayroon ng 319 pasyente na dinapuan ng dengue ang nasawi sa buong bansa.