-- Advertisements --
cagayan floods 1

CAUAYAN CITY- Umabot na sa humigit kumulang 82,431 katao o 19,791 na pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa mga bayan sa Northern Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Francis Joseph Reyes, information officer ng Office of the Civil Defence o OCD region 2 na ang nasa loob ng evacuation centers ay aabot sa 799 pamilya o 2,952 katao at maari pang madagdagan dahil sa patuloy na pag-ulan sanhi ng buntot ng cold front.

Sa ngayon patuloy ang pagsasagawa ng preemptive evacuation sa mga mabababang lugar sa Cagayan dahil inaasahan na ang tubig na manggagaling sa lalawigan ng Apayao ay babagsak sa mga bayan ng Abulog at Ballesteros, Cagayan.

Patuloy na tinututukan ng mga LGU’s at nagbibigay ng mga relief goods at mga food item sa mga evacuees.

May ilang lugar sa Northern Cagayan na walang daloy ng kuryente at ang ilang lugar ay nagkakaroon na ng landslide o pagguho ng lupa

Magugnitang dahil sa patuloy na pag-ulan ay tatlo na ang nasawi sa lalawigan sa Cagayan kung saan dalawa ang nasawi sa pagkalunod habang isa ang nakuryente habang isa rin ang nawawala na maaring biktima ng pagkalunod.