-- Advertisements --

Nakabalik na sa Ukraine ang nasa mahigit 870,000 katao na tumakas mula ng magumpisa ang giyera sa naturang bansa.

Ayon kay Spokesman Andriy Demchenko, kasalukuyang nasa 25,000 hanggang 30,000 Ukrainian na ang bumabalik kada araw.

Mas maraming mga kababaihan, bata at matatanda ang nagbalik na.

Ayon kay Demchenko na mas ligtas na ang sitwasyion ngayon lalo na sa western regions at handa na aniya silang bumalik at manatili sa kanilang bansa.

Ito ay kasunod na rin ng pag-atras ng Russian forces noong nakalipas na buwan malapit sa kabisera ng Kyiv bilang paghahanda sa pagpapalakas ng kanilang opensiba sa eastern Donbas region ng Ukraine.