-- Advertisements --
Stranded ang nasa mahigit 8,000 pasahero, drivers at cargo helpers sa 126 na pantalan sa bansa sa gitna ng epekto ng bagyong Kristine.
Ayon sa PCG, nasa 2,725 rolling cargoes at mahigit 200 vessels at motorbncas ang stranded.
Habang nasa 600 vessels naman ang nakikisilong pansamantala sa iba’t ibang pantalan.
Patuloy namang binabantayan ng PCG ang mga sitwasyon sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Northwestern Luzon, Eastern Visayas, North Eastern Mindanao, Central Visayas, Western Visayas at Southern Visayas at National Capital Region – Central Luzon.
Ilang mga biyahe sa dagat ang kanselado na rin patungo sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.