Inanunsyo ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang partial delivery ng mga makina mula sa Miru Systems ng South Korea na kanilang isasalang sa pagsusuri.
Batay sa ulat ng poll body, 8,640 Automated Counting Machines (ACMs) ang dumating nitong mga nakaraang araw sa Pilipinas.
Dinala ang mga ito sa kanilang warehouse sa lalawigan ng Laguna.
Ang mga makinang ito ay gagamitin sa mas pinalawak na information drive ng Comelec ukol sa voting machines na nakalaan sa 2025 midterm elections.
Maaari din itong magsilbing reserbang makina kung may magkakaproblema sa mismong araw ng halalan.
Layunin ng mga demonstration activities na maging familiar sa proseso ang mga mangangasiwa sa halalan, pati na ang mga kababayan nating boboto gamit ang naturang mga pasilidad.