CAGAYAN DE ORO CITY- Mahigit sa 8,000 mga pulis ang i-de-deploy ng Police Regional Office o PNP-10 sa mga itinituring na hot spot areas sa Northern Mindanao para sa nalalapit na May 13 midterm elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PNP-10 Spokesman Lt. Col. Surkie Serenias, kanilang umpisahan ang deployment ng mga police personnel sa araw na biyernes, Mayo 10, tatlong araw bago ang halalan.
Ayon kay Serenias, mahigpit na seguridad ang kanilang ipapatupad sa mga lugar na mayroong intense political rivalry. Partikular na tinukoy nito ang mga bayan sa Lanao del Norte at Misamis Occidental.
Nauna rito, sugatan ang tatlong barangay konsehal na suporter ng isang kandidato pagka-alkalde sa bayan ng Concepcion sa Misamis Occidental matapos sila tambangan ng armadong grupo linggo ng umaga.
Nagbarilan rin ang mga suporter ng magkatunggaling kandidato sa bayan ng Salvador sa Lanao Norte.
Gusto ng pulisiya na magiging mapayapa at malinis ang gagawing halalan sa nasabing mga lugar.