-- Advertisements --

Nasa 94 katao na ang nasawi matapos ang pananalasa ng Hurricane Helene sa malaking bahagi ng Florida.

Nagpapatuloy ang ginagawang recovery ng mga otoridad sa North Carolina, Atlanta at sa Florida.

Nakabalik naman sa normal na operations ang ilang flights habang may ilang lugar din sa Florida ang wala pang suplay ng kuryente.

Patuloy naman na hinahanap ng mga otoridad sa Buncombe County, North Carolina ang ulat na pagkawala ng mahigit na 1,000 katao.

Umapela si South Carolina Governor Roy Coopersa ng tulong dahil sa lubhang nalubog ang maraming lugar na kaniyang sinasakupan.

Magugunitang nagdala ng matinding pag-ulan sa Florida, South Carolina at Georgia ang Hurricane Helene na nasa category 4.