Ipagpapaliban muna ng mahigit 90 pampublikong paaralan ang pagbubukas ng klase matapos ang pananalasa ng nagdaang Super Typhoon Carina at Habagat sa Metro Manila at iba pang mga rehiyon sa bansa ayon kay Education Secretary Sonny Angara.
Kabilang sa mga siyudad na ililipat ang petsa ng pagbubukas ng klase ay ang mga pampublikong paaralan sa Malabon city sa Hulyo 31 habang sa Valenzuela city ay magbubukas ng klase sa Agosto 5 sa halip na sa Hulyo 29 na naunang inanunsiyo na schedule.
Ayon sa kalihim, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga paaralang magpapatupad ng late opening ng mga klase sa mga susunod na araw.
Samantala, inaantay ng DepEd ang reports ng iba pang regional directors kaugnay sa rekomendasyon ng pagpapaliban sa pagbubukas ng klase sa kanilang nasasakupan.
Karamihan sa mga apektadong pampublikong paaralan ay naitala sa NCR, Region 3 at Region 4 na ayon kay Sec. Angara ay mayroong sariling discretion kung kailan sila maaaring magbukas ng klase.