-- Advertisements --
Nasa mahigit 90 percent na ng mga mangagawa ng turismo sa bansa ang fully-vaccinated na.
Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat na layon ng kaniyang opisina na kapag fully-vaccinated na ang mga manggagawa sa iba’t-ibang tourist destinations ay panatag- ang loob ng mga local at foreign tourist na bumibisita sa iba’t-ibang tourist destination ng bansa.
Base sa datus ng DOT na mayroong 323,206 individual o 93.1 percent ng nationwide target na 353,075 tourism workers ang nakakumpleto na ng kanilang dalawang dose ng COVID-19 vaccines.
Inaasahan kasi ng nasabing ahensiya na dahil sa pagluluwag ng travel restrictiong ng bansa ay dadami ang bilang ng mga turismo na papasyal sa bansa.