-- Advertisements --

MAHIGIT 900 DENGUE CASES NAITALA NG CITY HEALTH OFFICE GENSAN MULA ENERO HANGGANG MAYO NG TAON
Unread post by bombogensan » Sat Jun 01, 2024 11:11 am

GENERAL SANTOS CITY – Bumaba ng 14 porsiyento ang kaso ng dengue sa Gensan mula Enero hanggang Mayo ngayong taon kung ikukumpara noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Ayon kay Raffy Piamonte, City Health Office-CESU Coordinator, ayon sa kanilang datos, mula Enero 1 hanggang Mayo 20, 2024, nasa 937 kaso lamang ng dengue ang naitala na mas mababa sa datos na naitala ng CHO noong nakaraang taon na mayroong 1,086 na kaso.

Pero sa kabila nito, hindi kampante ang CHO at ang kanilang Epidemiology Surveillance unit dahil patuloy nilang pinalalakas ang kanilang kampanya laban sa dengue para hindi na dumami ang mga nahawahan.

Samantala sa naging panayam ng Bomboradyo kay Dr. Tina Ramizo, nanawagan ito na sa lahat ng mamamayan na linisin ang kanilang paligid na paraan para makaiwas sa sakit na dengue.