-- Advertisements --
Dumating sa bansa ang karagdagang mahigit 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.
Nauna ng naihatid sa Cebu ang 76,050 doses ng parehas na brand dakong alas-6:35 ng gabi ng Huwebes habang dumating naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay ang 862,290 doses.
Ang nasabing deliveries ay bahagi ng pagbili ng gobyerno sa tulong ng Asian Development Bank.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr na mayroon pang darating na mga karagdagang bakuna ng parehas na brand sa mga susunod na araw.
Gagamitin ang nasabing mga bakuna sa mga bata na magsisimulang bakunahan sa Oktubre 15.