Nasa mahigit 900,000 na mga kababayan nating overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng pandemya ang nakauwe na sa kanilang mga pamilya, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay OWWA Administration Atty. Hans Leo J. Cacdac, sa pangunguna ni DOLE Sec. Silvestre Bello III ay nasa kabuuang 923,652 ang bilang ng mga natulungang mapauwe ng DOLE-OWWA.
Nasa humigit-kumulang 20,000 aniya na mga OFW ang nakinabang sa unang siyam na araw nang ipatupad ang pansamantalang suspensyon sa facilty-based quarantine para sa mga fully vaccinated na mga indibidwal sa ilalim ng IATF Resolution 159.
Dahil dito ay halos nasa 6,000 din aniyang mga indibidwal ang kanilang napauwe noong February 1.
Lubhang bumaba din aniya ang bilang ng mga OFW na nasa hotel quarantine facilities.
Mula kasi aniya sa kanilang naitalang 7,000 mga indibidwal noong nakalipas na dalawang linggo ay nasa kabuuang 1,582 na lamang ang OFWs ang nasa 51 quarantine hotels.
Samantala, tiniyak naman ni Cacdac na handa na OWWA at DOLE sa posibleng pagpapatupad muli ng mandatory quarantine para sa mga bumabalik na OFW sa bansa dahil nasa 2,000 aniyang mga OWWA frontliners at support ng mga frontliners ang kasalukuyang nakadeploy na sa buong bansa.