-- Advertisements --
image 116

Umaabot sa 900,000 kahina-hinalang mobile wallet app accounts ang na-block ng mga awtoridad sa pinaigting na pagtutulungan ng pamunuan ng GCash at law enforcers ng gobyerno para sa pag-crackdown laban sa mga sangkot sa fraudulent activities.

Pinaigting din na operasyon ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation laban sa mga kriminal na gumagamit ng kilalang mobile wallet pp sa kanilang mga iligal na aktibidad.

Nagresulta kamakailan ang isinagawang operasyon ng PNP at NBI personnel sa pagkakaaresto ng 21 anyos na online seller mula sa Caloocan city na umano’y nambiktima ng isang customer na babae na bumili ng iPhone mula sa suspek sa pamamagitan ng onlien selling.

Nagdeposito umano ang biktima ng P4,500 sa mobile wallet account ng suspek bilang downpyment subalit hindi naman ipinadala ang inorder nitong mobile phone.

Nadakip naman kalaunan ang suspek sa ikinasang entrapment operation ng PNP Anti-Cybercrime Group sa Novaliches sa Quezon city.

Humaharap ang suspek sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o ang swindling/estafa may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng PNP sa pamunuan ng mobile wallet app na madalas na ginagamit sa mga criminal activitiesupang masugpo ang naturang iligal na gawain.

Hinimok naman ang publiko na maging mapanuri at mag-ingat kasabay ng patuloy na pagtaas ng online scams.

Top