-- Advertisements --

Nairehistro na ang mahigit 90 million Pilipino sa National ID system.

Batay sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA), hanggang nitong kalagitnaan ng Setyembre ay umabot na sa 90,017,181 ang kabuuang bilang ng mga nakapagrehistrong Pilipino sa ilalim ng National ID.

Ito ay katumbas ng 97.8% mula sa kabuuang 92 million na target mairehistro ng naturang ahensiya.

Ayon pa sa PSA, ang mataas na registration rate ay dulot na rin ng tuloy-tuloy na pagpaparehistrong ginagawa ng ahensiya sa pamamagitan ng pagtutungo sa local level.

Kabilang dito ang community registration sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at house-to-house visit sa ilang mga piling lugar.