Aabot na sa mahigit 9,105 nakumpletong balota para sa local absentee voting ang natanggap ng Commission on elections (Comelec).
Ang partial reports sa bilang ng accomplished ballots para sa local absentee voting na natanggap ng Reception and Custody Units ay mula sa Philippine Army (926), Philippine Air Force (1,731, Philippine National Police (3,929) DepEd (522), BJMP (510), BFP (15), Media (809), Comelec (586), DILG (3) PCG (73), DFA (1) habang inaantay pa sa ngayon mula Philippine Navy.
Maalala na isinagawa ang local absentee voting para sa May 2022 elections mula Abril 27 hanggang 29.
Sa ilalim ng LAV, pinapayagang makapag-avail ng local absentee voting na hindi makakaboto sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9 dahil sa kanilang trabaho ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police gayundin ang mga miyembro ng media at technical at support staff.
Ito ay sa kondisyon na sila ay rehistradong botante, hindi deactivated ang registration status at hindi makakaboto sa lugar kung saan sila ay rehistrado dahil sa kanilang election duites.