-- Advertisements --
image 6

Dumagsa ang mga manggagawang nagbabakasakaling makapag avail ng libreng sakay ng MRT-3 at umabot ang mga benepisyaryo nito ng halos 9K na pasahero.

Mula alas 7 hanggang alas 9 ng umaga ito na ang naitalang bilang ng nakalibre ng sakay sa MRT-3.

Samantala, magpapatuloy naman itong libreng sakay mamaya, mula alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi.

Ang company ID o kahit anong government issued ID ay kailangan lamang ipresenta upang makapag avail ng libreng sakay.

Itong kawang gawa kaugnay ng libreng sakay sa MRT-3 ay tugon sa hiling ng DOLE bilang pagpapahalaga at pagbibigay pugay sa mga manggagawa ng bansa.

Patuloy naman ang pagpapaalala sa mga sasakay ng MRT-3 na sumunod parin sa health protocols laban sa COVID-19 tulad ng pagsusuot ng facemask.