DAVAO CITY – Gidagsa ng nasa mahigit 2,000 na mga jobseeker ang simultaneous job fair na isinagawa Department of Labor and Employment (DOLE) SA SM Ecoland, Davao City at sa iba pang lungsod sa rehiyon.
Pasado alas 8 palang ng umaga, ay may na hired on the spot ng aplikanting nakilalang si Grant Masan, na natanggap sa Grand Regal Hotel Davao bilang House Detective.
Sa Davao City tinatayang aabot sa tatlong libong bakanteng trabaho ang naghihintay sa mahigit 1,500 jobseekers na nag online registration para sa Job Fair ngayong araw, liban pa ito sa mga nag walk in na mga aplikante.
Malinam sa Job Fair, isinagawa din ngayong araw ang Livelihood Fair at Awarding sa DOLE Financial assistance.
Kaagapay ng DOLE XI, Department of Agriculture at
Department of Trade and Industry, ikinasa ang Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa kung saa idinasplay ng mga Micro, Small, Medium Enterprises (MSME’s) owners at magsasaka, ang kani-kanilang mga produkto sa Kadiwa Booths sa sa Rizal Park, San Pedro St., at ALU Hotel, Roxas Ave., Davao.