-- Advertisements --
viber image 2023 01 09 17 32 59 912

Mahigit sa 100,000 Black Nazarene devotees ang nag-tipon tipon sa Quirino Grandstand sa Luneta Park sa Maynila para sa Misa Mayor na ginanap ngayong araw ng Lunes ika-9 ng Enero.

Ang Misa Mayor, na ipinagdiwang ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ay minarkahan ang pagsisimula ng taunang Pista ng Itim na Nazareno.

Kabilang sa mga deboto na nasa lugar ay ang mga senior citizen, persons with disability, at mga bata.

Habang marami ang nagmula sa Metro Manila, may iba naman na dumating pa at dumayo mula sa mga probinsya.

Pagkatapos ng Misa, pumila ang mga deboto para sa nagpapatuloy ng Pagpupugay o ang pagtingin at paghawak sa imahe ng Itim na Nazareno.

Una na nga rito, ipinagpalibang muli ngayong taon ang tradisyon na “traslacion ” dahil sa banta pa rin ng Covid-19 sa ating bansa.