-- Advertisements --

Kanselado ang nasa 13 domestic flights ngayong araw sa ilang bahagi ng bansa dahil sa masamang lagay ng panahon.
Kabilang dito ang mga byahe patungong Busuanga, Palawan at pabalik sa Metro Manila.
May apektado rin na Palawan to Cebu at Masbate to Manila, pati na ang return flight.
Payo ng mga otoridad, huwag munang magtungo sa airport at sa halip agad makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund.
-- Advertisement --
Posibleng madagdagan pa ang kanseladong flight, kung magpapatuloy ang masamang lagay ng panahon na dulot ng bagyong Betty at Habagat.