-- Advertisements --
Pumalo na sa mahigit isang milyong metric tons ng palay ang nasayang dahil sa sama ng panahon at kabilang na ang El Niño phenomenon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) na mula noong Enero ay umabot na sa 1.024 million Metric Tons ng palay o unmilled rice.
Nagkaroon ng matinding pinsala ay sa pagdaan ng bagyong Kristine na mayroong mahigit 516,438 metric tons ang naitalang pagkalugi ng mga nasa industrya ng palay.
Bago kasi ang bagyong Kristine ay mayroon ng naitalang 507,564.39 metric tons na palay ang nasayang dahil sa El Nino at ilang serye ng bagyo.
Ngayong taon lamang na pumalo sa mahigit isang milyong metric tons ang nasayang na mga palay dahil sa normal na nasasayang ay hanggang 600,000 metric tons lamang.