CEBU – Kinumpirma ng Department of Health (DoH-7) na 67 sa 98 na kaso ng COVID-19 na may P.3 variant ay nagmula sa Central Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Dr. Mary Jean Lorreche, Chief Pathologist at tagapagsalita ng DoH-7 may ‘lineage’ ng Brazillian variant sa COVID-19 na P.1 ang naturang ‘variant of concern’.
Ayon kay Dr. Lorreche, nasa 300 hanggang 400 na mga samples ang dinala at sinuri ng Philippine Genome Center (PGH) at lumabas na nasa 67 nito ang positibo sa naturang variant at may mutation of potential clinical significance.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Lorreche na hindi ito dapat ibalewala dahil nangangahulugan lamang ito na maraming na ang natalang kaso na may posibilidad na magkakaroon ng mutation ang SARS-COV-2.
Gayunpaman, aniya hindi rin dapat magpanic ang publiko at patuloy na tumalima sa health and safety measures laban sa coronavirus upang mapipigilan ang paglaganap pa nito.