-- Advertisements --
Mahigit kalahati ng lahat ng mga nasa tamang edad sa US ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa White House ang nasabing bilang ay halos anim na linggo bago ang itinakdang target ni US President Joe Biden na mabakunahan ang nasa 70% na mga adults population.
Ipinahayag kasi ni Biden noong pag-upo niya na bago ang 4th of July American Independence Day ay mahigit kalahati na ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni White House senior COVI-19 adviser Andy Slavitt na ngayon may natitira pang isang linggo ng Mayo ay inaasahan na madadagdagan pa ang nasabing bilang.