Pabor ang mahigit kalahati ng mga Pilipino sa pag-hire ng hindi pa lisenaiyadong nurse sa mga pampublikong ospital base sa lumabas na resulta ng OCTA research survey.
Batay sa non-commissioned “Tugon ng Masa” survey na mayroong 1,200 adult respondents sa buong bansa, 54% ang pabor sa paghire ng mga nurse sa public hospital kahit hindi pa pasado sa board exams habang 39% naman ang tutol.
Mula sa mga pumabor, 79% ang mula sa Metro Manila, 71% mula sa Mindanao habang pinakamababang porsyento naman ng respondents na pabor ay mula sa Visayas na nasa 32%
Samantala, sa mga hindi pumabor naman pinakamataas sa Visayas, kung saan nasa 64% ang tutol na maghire ng nurses na hindi pa pumasa sa board exams bilang nuraing assistants o aides.
Isinagawa ang OCTA’s survey mula July 22 hanggang 26 na mayroong ±3 percent margin of error na nasa 95 percent confidence level.