-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng China na umabot na sa 75.6 percent ng kanilang populasyon ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay National Health Commission spokesperson Mi Feng na katumbas ito ng 1.068 bilyon sa kabuuang 1.412 bilyon na mamamayan nila ang naturukan ng bakuna.
Nagsimula na rin silang magbigay ng mga booster shots sa mga may edad na na ang huling bakuna ay natapos na ng mahigit anim na buwan.
Nilinaw naman ni Wang Huaqing, chief expert ng immunization program sa Chinese Center for Disease Control and Prevention, na hindi na sila magbibigay ng isa pang booster shots sa mga nakatanggap na nito.