-- Advertisements --

Nasa mahigit kalahati ng adults sa Pilipinas ang nakaranas ng hindi magandang pamumuhay ngayong 2021.

Ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS), mayroong 57% sa mga respondents ang nagsabing mas lalong lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan.

Mayroon lamang 13% ang nagsabi na ang kanilang kalidad ng pamumuhay ay gumanda habang 29% ang nagsabing walang pagbabagong naganap sa kanilang pamumuhay.

Isinagawa ang face-to-face interviews mula Setyembre 12-16 sa 1,200 adults mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.