-- Advertisements --

Umabot sa mahigit kahalating bilyong pesos ang nakuhang kita ng Bureau of Customs (BOC) sa pag-auction nila ng mga overstaying na containers.

Ayon sa BOC na mayroong kabuuang 2,407 na mga overstaying containers ang kanilang na-disposed sa pamamagitan ng condemnation at public auctions noong 2021.

Sa kabuuan aniya ng kinita ng BOC ay P555,443,175 mula sa 1,257 na mga containers na naglalaman ng mga assorted items gaya ng mga bigas, galvanized steels at iba pa.

Habang ang mga 1,150 containers na naglalaman ng mga ginamit na damit, sirang mga pagkain, gamit na langis, furniture at ibang mga gamit ay kanila ng sinira.

Nakasaad kasi sa Section 1139 at 1141 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may karapatan ang BOC na mag-dispose sa mga containers na kanilang nakumpiska o inabandona.