-- Advertisements --
Aabot sa mahigit kalahating milyon ang nanood sa pagsalubong ng Chinese New Year sa lungsod ng Maynila.
Nagsimula ito sa pagpapailaw sa arko ng old Chinatown at ang drone show at pyromusical sa Binondo-Intramuros Bridge.
Nagtanghal naman ang ilang mga local artist kung saan dinaluhan din ito ng mga opisyal ng Manila City Government sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna.
Kasama rin ng mga opisyal sina Minister Counselor ng Embassy of People’s Republic of China na si Zhou Zhiyoung at ilang opisyal ng Filipino Chinese Community.
Ang pagdiriwang din ay kasabay ng ika-50 taon ng Filipino-Chinese Diplomatic Relations.