-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang nasa 502,000 doses ng COVID-19 na gawa ng AstraZeneca na binili ng gobyerno.

Lulan ng China Airlines ang mga bakuna ng ito ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport nitong Biyernes.

Personal ito na sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez Jr ang mga bakuna.

Sa kabuuan ay mayroon ng 8.93 milyong AstraZeneca doses ang natanggap ng bansa na karamihan sa mga ito ay mula sa COVAX Facility.