-- Advertisements --

NAGA CITY – Mahigit kalahating milyon ang halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Emyrose Organis, tagapagsalita ng Libmanan PNP, sinabi nitong una nilang naaresto ang suspek na si Angeles Realizan Jr, 36, sa Barangay Palong at nakumpiska rito ang humigit kumulang sa 25 gramo ng umano’y shabu na nasa P170,000 ang halaga.

Maliban dito, mahigit sa 50 gramo naman o katumbas ng P340,000 ang halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat din sa mga suspek na sina Lyndon Sias at Ernesto Rocha sa Barangay Puro Batia.

Sa ngayon nananatili na sa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang hinahanda na ang mga kasong isasampa laban dito.