-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Korte Suprema ang mataas na bilang ng mga kasong nadesisyunan ng mga lower court sa buong 2024.

Batay sa pahayag na inilabas ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, kabuuang 508,197 cases sa buong bansa ang nagawang madesisyunan ng mga lower court sa loob ng maikling panahon.

Ayon sa CJ, umabot ito sa 43% na boasting rate sa pagtutulungan ng Municipal Trial Court, Municipal Circuit Trial Court, at Regional Trial Court.

Ayon kay Gesmundo, ang mataas na bilang ay resulta ng kanilang pagnanais na maibaba ang backlog ng mga kaso sa bansa.

Malaking bagay din aniya ang pagtugon ng mga lower court sa hangarin ng Hudikatura, kasama na ang pagnanais na malitis ang mga kaso sa maikling panahon.

Samantala, maliban sa mga nabanggit na korte, mataas din ang bilang ng mga kasong madesisyunan ng iba pang mga korte sa bansa, kasama na ang Korte Suprema.

Sa buong 2024, nagawa aniya ng SC na madesisyunan ang kabuuang 4,294 na kaso habang 14,699 naman sa mga Court of Appelas.