LAOAG CITY – Sinabi ni Provincial Agriculture Officer Engr. Ma. Teresa Bacnat na nasa humigit-kumulang 67 milyong piso ang halaga ng pinsalang dulot sa epekto ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura dito sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon sa kanya, ang palay ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang 24 na milyong piso habang ang high value crops ay nagkakahalaga ng mahigit 3 milyong piso kung saan umabot sa mahigit 1,500 na ektarya ng mga bukid ang apektado.
Aniya, nasa mahigit-kumulang na 4 na libong mga magsasaka ang naapektuhan ng El Niño phenomenon at ang mga bayan na apektado sa lalawigan ay sa bayan ng Bacarra, Dingras, Piddig, Batac City at dito sa Laoag City.
Sabi niya ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office ay patuloy na magbibigay ng iba’t ibang tulong sa mga apektadong magsasaka sa lalawigan.
Kung saan kabilang dito ang 140 units na water pump, fuel subsidy, 103 units SFR, 285 units water harvesting facility (industrial tank), 37 irrigation hose at spring development na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang na 16 na milyong piso.
Samantala, nananatiling bukas ang tanggapan ng Provincial Agriculture Office sa mga humihingi ng tulong at inaasahang wala nang epekto ang El Niño phenomenon sa oras na dumating ito sa taglagas.