-- Advertisements --

NAGA CITY-Nasamsam ang lampas 1.5 Million Pesos na halaga ng ilegal na droga sa Tiaong, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Neil, 28 anyos, residente ng Brgy. Malabanban Norte, Candelaria, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, inaresto aniya ang suspek pagkatapos na makabili ang poseur-buyer ng mga awtoridad ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Nang kinapkapan ang suspek nakuha pa rito ang sampung piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga na may bigat aniyang 78.43 grams, at nagkakahalaga ng ₱ 1,599,972.

Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Tiaong Municipal Station para sa karampatang disposisyon.