-- Advertisements --
sta4

CEBU CITY – Tinatayang aabot sa mahigit P1 million ang danyos sa nangyaring sunog kagabi sa Sitio Bugnay, Osmeña Blvd., Barangay Sta. Cruz, Cebu City.

Sa panayam ng Bombo News Team kay Fire Office 2 (FO2) Fulbert Navarro, ang fire investigator ng Cebu City Fire Department, nanggaling ang sunog sa ikalawang palapag ng pamamahay ng isang nag-ngangalang Fernanda Ramos, ngunit inaalam pa rin sa ngayon ang sanhi nito.

Umabot sa second alarm ang nasabing sunog kung saan 17 kabahayan ang totally burned at lima ang partially burned.

Gayunpaman, wala namang naitalang namatay sa nangyaring sunog, ngunit may tatlong katao ang nakatamo ng mga first degree burn sa kanilang katawan.

Sa ngayon, nasa isang covered court malapit sa nasabing barangay pansamantalang inilikas ang mga apektadong pamilya.

Nabatid na noong Agosto 31 lang nang sumiklab rin ang malaking sunog sa parehong barangay kung saan pito ang naitalang namatay.