-- Advertisements --

DAVAO CITY – Halagang higit isang milyong piso ng illegal na druga ang nakumpiska ng mga personahe ng Maa City Jail at Talomo Police sa dalawang mga indibidwal na sinasabing nagpakilala na miyembro ng isang religious group.

Ayon nsa otoridad, isinilid sa isang sako ng noodles ang mga shabu para ipasok sa pasilidad.

Sinasabing pumasok sa Gate 1 ang dalawang suspetsado sakay sa isang Isuzu Fuego alas dos ng hapon kahapon dala ang isang plastic cellophane na ipinasok sa sako ng bigas.

Agad itong isinailalim sa inspeksiyon ni JO1 Honey Queen Villarba Sedon at JO1 Philip Beer Yohohoy Chagas dahil nakapangalan sa inmate na si Osting Runulo at may nakasulat na “WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE C/O SJO1 HERBERT NAIVE, DAVAO CITY JAIL MAIN MALE DORMITORY.”

Dahil dito, nagduda ang otoridad dahil naka-scotch tape ang nasabing mga noodles dahilan na isa-isa ito binuksan at napag-alaman na hinaluan ito ng mga pakete ng illegal na droga.

Nakilala ang mga suspek na sina Doroteo Duterte Guibernas Jr, 63 anyos, walang trabaho ay residente ng 21, Mahogany St., Roldan Village, Maa nitong lungsod at Mylene Himangpang Tamondong, 34 anyos, self-employed residente ng Purok 3, Barangay Alambre Toril nitong lungsod.

Aabot sa 24 mga pakete sa illegal na droga ang nakumpiska kung saan bawat pakete ay tumitimbang ng 5 grams at may street value na tig-P75,000.00.

Ang mga pakete na nakumpiska ay nagkakahalaga ng P1.8-milyon.

Una ng napag-alaman na hindi lamang ito ang unang beses na pumasok ang mga suspek sa pasilidad at nagpakilala na miyembro religious group.