-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nakatakda nang sunugin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12 ang nakumpiskang mga iligal na droga na nagkahalaga ng mahigit sa P1 million.
Sinabi ni Kath Abad, spokesperson ng PDEA-12 na ang pagsunog sa mga kontrabando ay kasunod na rin ng utos ng korte.
Dagdag ni Abad na handa na ang crematorium na pagdadalhan ng nasabing mga droga.
Hindi na sinabi pa ng opisyal kung anong klase ng drugs ang mga ito.
Matatandaan nagdaang taon pinagunahan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang paglagay sa crematorium sa sari saring druga.
Hindi naman sinabi kung kailan ang ensaktong petsa sa nasabing gawain subalit tantiya na gagawin ito ngayong buwan ng Mayo.