-- Advertisements --
Good news ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo matapos ang inaasahang malakihang bawas sa presyo ng petrolyo.
Ayon sa mga energy sources, posibleng may tapyas na P1.10 hanggang P1.20 ang presyo kada litro sa gasolina.
Mas malaking rollback naman ang asahan sa kada litro ng diesel na P1.20 hanggang P1.30.
Magkakaroon din ng malaking bawas sa kada litro ng kerosene na P1.25 hanggang P1.35.
Noong nakalipas na linggo, nagkaroon ng dagdag-bawas presyo sa produktong petrolyo sa bansa sa nakalipas na dalawang linggo.
Karaniwang sa Lunes inaanunsiyo ang oil price adjustment at ipinatutupad naman kinabukasan.