VIGAN CITY – Aabot sa mahigit P10-million ang natangay ng isang suspek ng investment scam sa Brgy. Ora, Bantay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Jennifer Pascua, isa sa mga biktima ng scam, nakilala umano nito ang scammer sa Facebook hanggang sa pinilit na mag-invest ng pera sa pangakong 18% na interes sa kanilang pera.
Nahikayat umano ni Pascua ang mga kamag-anak na mag-invest pati na ang mga ibang tao sa kanilang barangay at aabot sa mahigit P10 milyong ang kanilang naibigay na pera.
Sa una hindi umano pumapalya sa pagbibigay ng kanilang pera ang suspect hanggang nitong buwan ng Disyembre ng magwi-withdraw sila ng perang aabot sa P2 milyon.
Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng Bantay Municipal Police Station sa nasabing investment scam.