Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang isang shipment na naglalaman ng 4 na aluminum tubes na may hinihinalang shabu sa BOC-Port of Clark.
Ayon sa isang pahayag na inilabas ng BOC nitong araw ng Biyernes, ang mga nahukumpiskang tubes ay nagmula umano sa Estados Unidos at maling naideklara bilang ‘Black Vinyl Window Made Out of PVC.’
Maaaalalang nakita ang hinihinalang shabu ng ma-physical check ito noong buwan ng Enero 19, kung saan natukoy sa isang x-ray scanning ang mga nakatagong tubo, na naglalaman ng 1,502.9269 grams ng hinihinalang shabu na may halagang P10.219 million.
Binibigyang-diin ng mga ng Customs ang kahalagahan ng pagiging alerto at ang kooperasyon at sinabing katuwang ng ahensya ang isinusulong nito na paglaban sa mga smuggling at pagpapalakas ng border security ng Pilipinas.